Life is something that you should treasure and to give importance. Life in work and life with your family and friends should be balanced to make it much meaningful and worthy.... Just enjoy and have fun.
Sunday, March 22, 2009
50 years of SM
BALIK TANAW...........
Nakakatuwang isipin na ako ay kabahagi ng isa sa mga malalaking selebrasyon na ginanap sa SMX Convention noong nakaraang taon .
Ito ay isang parangal para sa mga empleyadong nagsilbi and nakibahagi sa buhay ni Tatang.
Nakakahanga at talaga namang nakakabilib na kung limampung taon na ang SM ay mayroon ding mga pinarangalang mga manggagawa na nakatumbas ng taon ng pinagdiriwang na iyon.
Sa larawan ay ang mga manggagawa na pinuno ng SM hypermarket na sina weng pinuno sa moa, ricky pinuno sa sucat, joel na magiging pinuno din ng sucat o ng bicutan sapagkat siya ay sumasailalim sa isang pagsusulit at pag aaral. Nawa makapasa ka joel at magblow out ka naman.
At ang muntik kong malimutan ngunit di maari dahil baka magtampo ay si rolen ang pinuno ng valenzuela. Mabuhay kayo!
At syempre, ang katangi tangi, at sikat na sikat na ampon ni Tatang ay ako. Baka maniwala kayo, nagbibiro lamang ako. Syempre, ang inyong lingkod ay mag wawalong taon na sa ngayon. Sa sucat na po ako nakadestino. Kaya sa mga customer ko sa Mall of asia. Mamimis ko talaga kayo. Dalaw naman kayo sa sucat.
Magsenti naman tayo.......
Maraming salamat tatang sa pagmamahal at pagmamalasakit mo sa iyong manggagawa. Tunay ngang ehemplo ka ng kabutihan ng puso at taglay na kagalingan sa industriya. Kahanga hanga, Mabuhay ka!
Mahal ka namin.
ang nagmamahal mong anak,
este ampon ng pundasyon ng libreng edukasyon,
Loida (Batch 2000 Millenium graduate)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment